Friday, September 21, 2012

Araw ni pudra

Birthday ng daddy ko :) wala perong handa kailangan talaga namin magtipid ngayon :) anyways masaya ang araw na to kasi andami kong naexplore.. haha

acrual;y, dapat magpeperform ng intermission number sa parliamentary seminar kaso text ng text mga groupmates ko tapos antagal magsalita ni sir baliton.. syempre priority ko pa din ung investigatory project namin so kahit di na ko nakapagperform nagpaalam na ko kay kuya alexis. Thank God pinayagan nya ako kaya dumeretso na ko sa Archbishop office at dun kami nagshoot para sa documentary..

All in all, masaya ang araw na to .. para akong si dora the explorer :D haha

Thursday, September 20, 2012

exam

ito na yun ee :) smile na nga lang kahit sa totoo lang medyo kinakabahan ako sa magiging result sa Ohil History. OH NOH ! Pati sa afro asian lit namin nakakatakot..nakakagimabl..nakakanginiiiiiig :) hahaha

Nag-greet sila ng happy birthday sakin sa english structure :) natouch naman ako kahit papaano kila sir diongco hahaha :D

Wednesday, September 19, 2012

si birthday girl

yeey! birth day ko ngayon. Hahaha ! nag-absent ako kasi i need to rest. exam ko pa bukas sa mga majors ko :/ awwww.

nagluto lang ako ng spaghetti .. haha gawat ngayon ee :) walang pera. kelangan magtipid kasi maapit na umalis mga ate ko papuntang riad :< ow noh!

Anyways, masaya naman ako ngayon syempre araw ko eee :) so ayun nga. Ako ang bbidang birthday girl <3

Saturday, September 15, 2012

BUSY SABERDAY

Ok, nagturo ulit ako sa city high :) rush ! haha nakiusap sakin si teacher liezel, nagovertime pa naman kami sa FS kaya super late ako.. haha nirush ko mga estudyante ko

On the spot ko binasa yung the legend of mayon volcano tapos diniscuss ko pa sakanila..aynako! haha
buti na lang kahit gahol sa oras, game pa din sila :) .

Friday, September 14, 2012

DCNHS :)

                   Nag-obseve ako ngayon :) watta tiring day .. sa lahat ng section na nahandle ko, celerio ang pinakagusto ko.. although maiingay sila, super actice sila sa interaction sa klase at may sense naman mga sinasabi nila so i think it's ok to be talkative sometimes as long as what you talk about is sensible.

                        Medyo nakakapagod pala pag teacher ka noh? Busy kasi si teacher Liezel so ako muna pinagtake charge nya.. Anyways, it was fun! :D

Thursday, September 13, 2012

OH MMY

Election ngayon :) nanominate ako as Parish youth coordinator but mas deserve ni EJ . HAHA :)
mas maganda magstart sa baba :) anyways , walang mababa basta magserve kay God :D
I was elected as Chistian educator.. I'm happy with it. Kailangan aralin mabut ang bible :)

Wednesday, September 12, 2012

Meeting with BFFS

May meeting sa church so kasama kaming tatlo ng mga bff ko. We're part of th parish youth ministry :) medyo sutil nanaman kami tatlo :D pag nagsama-sama nanaman kami :D namiss ko to! hhaha
MEdyo dabi na kami nakauwi :) ayos lang medyo nasulit namin ..
Inspring yung talk ni aste mich at ate tin :D

Tuesday, September 11, 2012

Busy Tuesday

ok :) ako na ang maraming quizzes for today .
Hayyy naku ! so many things to be done .. nakow pow!
di na muna ako magtatagal sa blogger kasi dami pang gagawin :) LATER na lang ha?
Pansin ko pakonti konti na lang ako makapagpost :) haha

pansin mo rin?

Monday, September 10, 2012

HEY MONDAY

MASAYANG MONDAY :) uwi ako agad.
aga ko nagupadate ng blog. mamaya balik ako dito pag may espesyal na nangyari :) bye !

Sunday, September 9, 2012

BLESSED SABBATH DAY

Lector ako ngayon. Prayers of the faithful ang reading ko :) tapos sila kiko ang choir ngayon .. haha basta makikita ko yun para akong bata :) kinurot ko sya.. haha bali 3rd cousin ko daw sya sabi ng tatayb okong pogi :)

Muntik na kami mag-away ng ate ko. Pero naayos ko naman :) tapos pumunta si april sa bahay. Siya ung bff ko :) ayun super chikahan kami :D hahaha !

Saturday, September 8, 2012

Hindi ako late !

Hindi ako nalate ngayon sa FS namin :) masya lang ako :D haha !
Tapos maaga ako umuwi , tambay ako kasma nila ate..
Wala masyado nangyari..
Pero masaya pa rin :)

Friday, September 7, 2012

Ako na si teacher :)

                 Wala critic teacher ko.. Kaya naman napakiusapan ako na ako na tumingin tingin sa mga students ko. Ayun, kasundo ko naman sila :) bless sila ng bless sakin. Ung isa pa, sabi ng classmates nya twice daw nagbless sakin kasi nga crush daw nya ako.. e ako naman, natatawa kasi ambabata pa nila, tapos ang nakakagulat ung pangalan nya -- guess what? FRANZ GADRIAN C. FERRER .. natatawa ako ! coincidence?  Nung una di ako maniwala, pero nung tignan ko ID nya, FRANZ nga talaga name nya.. haha hindi nya un nickname kundi NAME talaga!

                   After ng klase ko, deretso ako sa UPang, may meeting kasi kaming mga LSS. Nakilala ko naman sio kuya Yael, bali sya ung taga beatbox ko sa darating na tugtugan . ahaha :) may prinoprose si maam dorelyn , i want t\it so bad ! I want to sing christian songs . Yung Mighty To Save ang gusto ko :) sana ibigay sakin yun ni kuya alexis :)) hehe

Thursday, September 6, 2012

a Thursday to reminisce

 Nakasakayan ko ung kuya-kuyahan ko nung high school. Taga-advise ko yun ee. PEroi medyo awkward na ngayon . di na katulad ng dati.. Sa Pampanga kasi sya nag-aral ng 2 years. tapos ngayon dito na sya sa upang ..

Alam mo ba, sa lahat ng mga lalaki, siya lang yung nakapagsabi sakin ng "Ikaw ang pinaka talented sa lahat ng babaeng kakilala ko" o diba? nakakaoverwhelmed :)

Tapos nung high school kami, payatot un .. ngayon nagkalaman na sya.. He's gown up! haha :)
bsta ... nakakamiss lang kasi ung dati.

(-___-) Napatawag kami sa CSDL kasi warning na.. haha may 2 absences na ko. lagot ! kailangan ko ng maging maaga lalo sa Filipino..

Punuan kasi ang jeep sa Bonuan, kahit ganu kalapit kung awala ka naman masakyang jeep. Mataas kasi employment rate samin kaya halos lahat may trabaho kaya siksikan sa jeep kung hindi puno..

BAHALA NA .. :) agahan ko na lang gumising .

Wednesday, September 5, 2012

Maaga pa :)

                 Dahil nga sa observation ko sa DCNHS madali akong natapos at maaga ako nakarating sa school. 
Tinanong ko si Jona kung aakyat na silamkasi nakatambay sila sa SP pero sbi nya maaga pa daw masyado so nauna na ako.
E dahil doon, bsta may nangyaring masaya. Nakita ko crush ko while papuntang EDUC-314 .. ikukuwento ko pa sana kaso baka mabuko nya ko ee. haha :)

                After ng Economics namin umuwi na ko agad kasi wala kaming CAD tapos ung sociology namin, nakakainis kasi nagpapanuod sya ng movie ee nakakaewan lang, kasi naman lahat na ata ng mga kasalanan nandun na.. Fornication , Adultery , Murder ayy naku ! lahat na .. tapos 1st year pa naman mga kaklase namin.. MInor pa sila teh ! hayy . E ang gusto lang naman nya ipakita samin is ung culture,tradition ang\d pre\actices ng africa.. ahhhhyyy..

               After nun, uwi agad ako sa bahay para makabonding ko ung ate ko kasi aalis na rin sila papuntang riad.. Wala pang confirmation kung kailan , pero baka within this month or bka october.

JUST ENJOYING EVERY MOMENT :)

Tuesday, September 4, 2012

happy tuesday :)

ayun ! so masaya ang araw ko ngayon kasi naman.. good vibes mula filipino hanggang Phil History.. aa basta masayang-masaya ako. hahaha ---

let's start with my morning , i got 14 out of 15 sa quiz sa fil so masaya naman ako kahit papano nakabawi dun sa past quizzes ko na hindi nakakasatisfy. Then after that, yung sa Facilitating Learning, nakakaewaaaaaaannnn (-___-) kasi naman, nakakaOP ung outfit ko.haha sina Apol at Jona nakadress e ako? University uniform ..haha tapos Bitch ung role namin.haha as in! dibale na nga, atleast in character naman ung acting namin . HAHA

Tapos afro-asian lit na :) actually medyo naeenjoy ko na tong major ko.kasi naman puro readings ginagawa namin kasi nga puro stories and pieces of lit.. ung In a grove, nakakabaliwwww! para kaming Crime Investigator :) alamin kung sino ang real murderer :) anyways, ayos na yun..haha 

After nun, nagpasama sakin ang ever loving best friend ko na si Jessica.. Si baldomero ey? basta, compatible kami nun.haha sa kalokohan at sentiments. So yun nga sinamahan ko sya kunin business permit kaso nga lang, nagka-aberya. So after we had our very late lunch sa Jollibee :)

finally, kakatapos lang ng philippine history .. and namiss namin si maam calaunan :) i really like her ! haha as well as maam dorelyn syempre :) pareho silang nagpapatawa and sensible ang sinasabi,  i wish all instructors possess that kind of attitude. there are some instructors kasi na andaming echebureche .. Wala namang matututunan. HAyyyy.

sige ha? hanggang dito muna.

PS : nakita ko bro ni sir franz , ung 3rd year na IT :) parehong pogi.haha ! tapos si coco martin look alike :) bakit ba kelangan lahat ng crush ko ee IT students? :) HAHAHA !

Monday, September 3, 2012

Kilig lang? ^___^

 hayyy. ansaya ng nangyari ngayon .. bsta umaga palang good vibes na ko :) Nagpunta ko sa DCNHS para magobserve .. hopefully matapos ko ang 25 hours observation sa FS 1 :) haha ! 

uy alam mo ba? si crush nakakainis. kasi naman, lagi na lang ako kinikilig sa mga ginagawa niya .. although di sya ganun kapogi, may utak naman sya .. haha i mean , matalino siya at matalino, tapos matalino pa..tsaka matalino :) haha ! yun na lang ata bagay na nakakaturn on sakanya? anyways, ks\ahit ganun, opk lang kasi ako naman yung tipo ng tao na tumitingin sa mga bagay na abstract, gaya na lang ng character, intelligence tapos syempre dapat religious :) masaya naman ako kahit wala si super duper ever crush ko na si sir franz :) grabe din yung lalaking yun no? May 25,2012 ko sya last nakita. pwede ko ng kantahin yung kantang 6,8,12 :) 

"it's been 3 months 8 days 12 hours since he left away, i miss him so much and i don't know what to say... i should be over you, i should known better but it's just not the case.."


o di ba? :) haha .. basta nasakanya lahat ng katangian na gusto ko sa isang guy :) well, libre lang naman mangarap diba? haaayyyyy....

e si crush ko ngayon, masaya naman ako kahit papano kasi may kilig moments pa rin per akin na lang yun kasi baka mabuko ni maam dorelyn kung sino sya.. matalino pa man din yun at madali magets kung sino tinutukoy ko :D

(o____^) o sya, yun muna ha? for this day.

Sunday, September 2, 2012

A day to rest

SLEEEEEEEEEEEEPPPPPPPYYYY na ko :< but i have to do this. please bear with me! kasi naman, may sira ang smart so di tuloy-tuloy connection :/ i don't even know if i'm doing the right way.

Anyway, it was a blessed sabbath day :) a day to rest and a day to be with God.
Medyo pumalya nga lang after mass dahil nagkaron ng konting argument yung dalawang ate ko which led to a big issue. Nagalit tuloy sina mommy at daddy ko. HAYYYYY.

i've read the given piece of literature sa afro-asian lit subject namin .. Pano ko kaya pagagandahin tong blogger ko?
I'm new to this stuff. I'm just hoping i'll get used to it. ARAW-ARAW pa man din namin kailangan magtala ng araw-araw na pangyayari saaming buhay :) 
HIGH LIGHT of my day?
Nothing special. Just pure day of rest and praises for God :)
SLEEP na ko ha? good night and God bless !
To which of the angels did God ever say, "Sit at my right hand until I make your enemies a footstool for your feet"? Are not all angels ministering spirits sent to serve those who will inherit salvation?
Hebrews 1:13-14

Saturday, September 1, 2012

am i sure of what i"m doing? (?____?)


 ahmm. dapat mmya pa ko gagawa nito ee :) pero syempre nakisabay na ko magnet kila syvie at jona  ksi bka mamiss ko tong araw na to :P wala pa nmn gaanong ngyayari this day (o___0)
well, knina kinukulit ako ng aking mudra .. halos palayasin na ko sa bahay ee, haha panu ba naman? lagi akog nalelate sa klse sa FS. e nagkataon na magkatrabaho pala si ate ko (ruth gonzales) at si sir raymund villare sa FCIS .. ayun nga, nabuking na magsis kmi,kaya sinbi ni sir ---- isang late na lang at DROPPED a ko -.- ayyyyy ! ayoko nun..kaya 7am plang nsa UoP na ko, sarado pa main gate .. (OHA!) aunahan ko pa tagaukas g gate :)) hehehe .. hindi ko nga alam kung tama tong pinaggagawa ko dto. matigas ung keyboard g shop na to! remind me not to rent comp to this net shop again ha?
NOW PLAYING : WE ARE YOUNG

kinig lang sa music :) ako na ksi ang MOST PUNCTUAL ..haha :) log in ako mmya pag may ngyari pang mganda sa buhay ko ngayong araw na to .. but for now? BYE BYE muna (^____^)
ummua.

                                                                                                                                                   #MICHI